Grabe! Extreme emotions ako this week. Nakakapagod. Pag nangyari ulit sa akin ‘to, baka himatayin na lang ako.
Nung Monday, narealize ko na nawawala ang id ko (Kung may makakita, paki bigay po sa akin. Salamat!) Tapos hindi ako nagpasa ng str kasi tinamad ako. Ano ba naming klaseng rason yun db?! Tapos nagsimula akong magpaka-depressed nung bio time. As in nagsulat lang ako nang nagsulat para ilabas ung mga sama ng loob ko. Pero dismissal time, medyo good mood na ako. Kasama ko nun si ryan tapos napuntahan namin sila nico, gihan, mari and other dahlia people.
Tuesday… Since Filipino ang first subject at pinapasulat lang kami ni sir at la ako sa mood magsulat ng short story, nagsulat na naman ako ng mga depressions ko. E di yun. I started the day by recalling everything that made me feel bad. Tapos nung natapos yun, nagsulat ako ng editorial. Labo ko talaga no?! We also started our practicals in PE. I didn’t do well but I think I learned a bit. Bumabalik na yung table tennis ball sa kabilang side. Haha. Better luck next time. Pero seriously may natutunan ako. Pano ba naman ung mga nakalaban ko ung mga pinakamagaling sa girls: sila dani, lara, jami… Kung d pa naman ako matuto na sila ang kalaban e. Tapos nag mrt ako til santolan. Medyo sumakit balikat ko kasi ang dami kong dala.
Wednesday… Nagquiz sa math at hulaan nyo na lang ang score ko. After that, I was in good mood already. I wrote during Filipino time but it was about how much better I was feeling. Nag r u in love test kami sa health, mataas ang nakuha ko. Tapos may naayos pa na problem so I really felt good. Tapos supposedly may workshop kaya nasa journ room kami lahat, tapos I heard about the bad news so nalungkot ako na gusto ko nang umiyak. Since la c ma’am jams, nagstroll na lng kami lahat (nico, jami, ray2, ben, henson, hopee). Tapos un nakausap namin c ma’am jams sa caf nung gabi so medyo naging ok na ko. As usual, it was the most stressful night for eng journ students. Current events quiz and due ang news journal the next day. Samahan mo pa ng 2 long test na kailangan aralin.
Thursday… So yun nagkaroon ng long test sa English, current events quiz sa eng journ, long test sa bio. Grabe! Nakakapagod yung day na yun. Tapos since due ang lab rep the next day at may long test sa math, natulog ako ng 10-12. From 12-5, nagwork ako kaya 1 hr lang ang tulog ko.
Friday… Dumating ako sa school ng maaga. Pag dating ko sa classroom, narealize ko na wala sa akin ang ibong adarna tickets pero alam kong dinala ko siya sa school. So nagpanic ako. Todo hanap around the school. Lahat ng tao hinanapan ko nung tickets. As in. Dinamay ko pa si fatima kaya hindi cya nakapagreview more. Sorry talaga Fatima!!! Salamat dn. Hindi pa rin naming nahanap so habang nagmamath, kinakabahan ako at wala sa test ang attention ko. Pero I think tinulungan naman ako ni God at medyo ok lng yung test ko. So un after math, inisip ko talaga kung magcucut ako ng soc sci para lang hanapin ang tickets. Nandun na kami sa labas ng soc sci classroom, nag-iisip pa rin ako. Pumasok na rin lng ako. Nagpaalam ako k ma’am na lumabas. Sinamahan ako nina fatima and eski. Hanap kami ng hanap pero wala talaga. Bumalik kami ng classroom. Muntikan na kaming il8 ni ma’am pero sinabi ni paul na hinanap kci naming ung tickets so ok na.(Thanks Paul!) After ng soc sci, kasama ko si lara and eski na tumingin ulit around the 3rd floor. Tapos bumaba na sila lara. Pumunta kami ni eski sa reg(dumaan na kami ni fat doon nung umaga) so wala pa rin. Pumunta kami sa faculty para puntahan si ma’am cion pero wala cya dun. Naalala ni eski na nandun siya sa 3rd floor. (Salamat Eski!) Nakausap ko siya. Sabi niya ok lng. Ittxt na lng nya ang management. So sa chem and comp sci, guilty pa rin ako. nung lunch, medyo ok na. Pag dating nmn sa front, nahanap nung janitor, binigay sa bio lab technician tapos binigay nya k ma’am cion. So may tickets rn pala kami. Alleluia!!! Maganda ung ibong adarna. Amazing ang lights. Sayang nga lang hindi buong story. Ganun naman ang presentation ng ibong adarna most of the time. Hanggang sa part na gumaling na yung hari at kinasal na si don juan at maria blanca. Tapos un nung pauwi ang kulit sobra nina jan mikes, eski, jeriq at rob. So ngayon grabeng pagod ako. kulang pa ako sa tulog.
Friday, September 23, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment